Kumpanyang nagbayad ng 60-kilong barya sa empleyado, pinagmulta ulit | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kumpanyang nagbayad ng 60-kilong barya sa empleyado, pinagmulta ulit

ABS-CBN News
Published Sep 29, 2022 01:54 PM PHT

Nang pagmultahin dahil sa ilegal na pagtanggal sa trabaho ng isang empleyado, nagbayad ng sako-sakong barya ang isang Chinese company, dahilan para maharap ito sa pangalawang multa.

Ayon sa ulat ng Southern Metropolis Daily, inutusan ang isang health and wellness provider sa Hunan province na bayaran ng 10,000 yuan (nasa P81,000) ang naturang empleyado. Pero pinapalitan ito ng kumpanya ng barya na umabot sa 60 kilo bago ibinigay sa dating empleyado.

Kinailangang bilangin ng dating empleyado at ng isang opisyal ng korte ang barya bago ito maipasok sa record noong Setyembre 14.

Dahil dito, muling pinatawan ng Kaifu District People's Court ang kumpanya ng 5,000 yuan (P40,000) na multa dahil sa pag-aksaya ng oras ng mga nagpapatupad ng batas at sa pagyurak sa dignidad ng manggagawa.

Sa ulat ng Southern Metropolis Daily, tinanggal ang babaeng empleyado nang walang dahilan matapos lang ng 2 linggo sa trabaho. Kinasuhan niya ang health and wellness provider at nanalo, pero hindi kaagad nakapagbayad ang kumpanya sa time limit na ibinigay ng korte.

Sinamahan ng isang court official ang babae sa kumpanya para kuhanin ang pera at dito na ibinigay sa kanila ang sako-sakong barya.

Nalaman din ng korte na inutusan ng isang company manager ang isang empleyado na pumunta sa iba't ibang bangko para papalitan ng barya ang 10,000 yuan.

Hindi ito ang unang beses na may isang kumpanya na nagbayad ng barya para sa isang multa na iniutos ng korte.

Noong Hulyo 2021, isang babae sa Liaoning province ang binigyan ng 2 basket ng baryang 28,700 yuan (nasa P235,000) matapos niyang ipanalo ang kaso laban sa kanyang dating kumpanya.

Hindi ito tinanggap ng babae at nagtawag pa ng pulis. Aniya, ang pagbigay ng barya ay paraan ng kanyang dating boss upang ipahiya siya.

— Isinalin mula sa ulat ng South China Morning Post
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT