Shibuya mayor: Huwag kayo bumisita dito sa Halloween | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Shibuya mayor: Huwag kayo bumisita dito sa Halloween

Shibuya mayor: Huwag kayo bumisita dito sa Halloween

ABS-CBN News

Clipboard

Ilan sa mga taong nakasuot ng costume sa pagdiriwang ng Halloween sa Shibuya entertainment district sa Tokyo, Japan, 31 October 2022. EPA-EFE/FRANCK ROBICHON
Ilan sa mga taong nakasuot ng costume sa pagdiriwang ng Halloween sa Shibuya entertainment district sa Tokyo, Japan, 31 October 2022. EPA-EFE/FRANCK ROBICHON

Nakiusap ang alkalde ng Shibuya Ward ng Tokyo nitong Martes na lumayo ang mga tao sa sikat na distrito sa Halloween, matapos itong nakilala bilang isa sa mga go-to places upang mag-inuman at magsuot ng costume tuwing katapusan ng Oktubre.

Sinabi ni Ken Hasebe na "hindi nakakagulat" kung ang isang aksidente tulad ng nangyari sa Seoul noong nakaraang taon ay mangyari din sa Shibuya.

Mahigit 150 katao ang namatay sa stampede noong Okt. 29 sa Itaewon entertainment district ng Seoul matapos magtipun-tipon ang libu-libong katao upang sumali sa unang pagsasaya sa Halloween mula nang lumuwag ang mga paghihigpit sa COVID-19.

Watch more News on iWantTFC

"Hindi ko gusto ang mga tao na pumunta sa Shibuya kung darating lamang sila para sa Halloween," ani Hasebe sa isang press conference.

ADVERTISEMENT

Hiniling din ng alkalde na iwasan ang Shibuya noong 2020 at 2021 sa kasagsagan ng pandemya.

Watch more News on iWantTFC

Ani Hasebe, normal na ang pag-inom ng alak sa mga lansangan kapag Halloween, na nauuwi sa away at sandamakmak na basura sa lugar. Aniya, ang Shibuya ay hindi isang lugar para lang magdiwang.

Maraming tao, kabilang ang mga bisita mula sa ibang bansa, ang inaasahang magsasama-sama sa distrito, na kilala sa iconic na scramble crossing nito, para sa Halloween matapos i-downgrade ng bansa ang legal na status ng COVID-19 sa kapareho ng seasonal influenza noong unang bahagi ng taong ito.

Ipagbabawal ng Tokyo ward ang pag-inom sa paligid ng Shibuya Station mula gabi ng Oktubre 27 hanggang unang bahagi ng Nobyembre 1. Pakikiusapan din ang mga tindahan sa paligid ng lugar na higpitan ang pagbebenta ng alak sa Oktubre 28 at 31. Humigit-kumulang 100 security guard ang inaasahang ipapakalat , habang ang distrito ay magpapalakas ng pagmemensahe para sa mga papasok na bisita.

Isinalin sa ulat ng Kyodo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.