Gawa sa dumi, scorpion? Kakaibang mga alak, tampok sa museum sa Sweden
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gawa sa dumi, scorpion? Kakaibang mga alak, tampok sa museum sa Sweden
ABS-CBN News
Published Sep 13, 2020 01:05 AM PHT

Nakatikim ka na ba ng alak na gawa sa dumi, scorpion, o itlog ng isang balyena? Iilan lamang iyan sa mga alak na tampok sa Disgusting Food Museum sa Malmo, Sweden.

Sentro sa bagong exhibit ang alak na gawa sa dumi, na ayon sa mismong direktor ng museum ay isang uri ng tradisyonal na medisina sa Korea.

"This is not something that people drink anymore. It's an historic drink and it was drunk in order to cure bone breakage and bruises," paliwanag ni Andreas Ahrens, na siya umano mismo ang gumawa ng naturang alak.

Mas amoy alak na ito kaysa dati, sabi ni Ahrens, pero sobrang sangsang umano ng amoy nito noong ginagawa pa lang niya.

Ilan sa mga bumibisita ang hindi napigilang ipakita ang kanilang pandidiri sa mga naka-exhibit. Ang iba naman sa kanila namangha nang tikman ang iba't ibang alak na naka-display.

Experimental ang karamihan ng nasa museo, tulad na lang ng Scottish beer na may 55 porsyentong alcohol level na binebenta sa loob ng katawan ng squirrel.

Ilan pa sa mga naka-display ay beer na gawa sa itlog ng lalaking balyena mula Iceland, Ugandan Waragi na isang uri ng matapang na gin, at "pruno" ang alak na gawa ng mga Amerikanong preso na binuro mismo sa inidoro.

Isang paraan din ang exhibit para ipakita kung paano umiinom ng alak ang iba't ibang tao sa mundo, ayon kay Ahrens.

"It's things that people like where it comes from, and might appear disgusting if you're not from there," aniya.
"It's things that people like where it comes from, and might appear disgusting if you're not from there," aniya.
ADVERTISEMENT
Inilarawan naman ng isang bumibisita na nakakadiri pero exciting ang mga makikita sa museo.

"It shows very unexpected things," ani Marie-Louise Syrjalainen.

Dahil may pandemya, isinara pansamantala noon ang Disgusting Food Museum.

Tatakbo ang alcohol exhibit sa loob ng tatlong buwan at umaasa si Ahrens na makakatulong ang exhibit na makahikayat ng marami pang bumibista sa museo.

Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT