TINGNAN: Puting kalabaw, itim na kambal ang iniluwal | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Puting kalabaw, itim na kambal ang iniluwal

TINGNAN: Puting kalabaw, itim na kambal ang iniluwal

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa beterinaryong si Dr. Williefredo Kho, hindi pangkaraniwan pero nangyayari talaga ang pag-aanak ng kambal ng mga kalabaw. SCREENSHOT

PILI, CAMARINES SUR -- Itim na kambal ang iniluwal ng isang puting kalabaw sa Pili, Camarines Sur kamakailan.

Hindi makapaniwala ang magsasakang si Leonardo Salceda sa nakita dahil aniya, ngayon lang sila nagkaroon ng kalabaw na nanganak ng kambal.

Sampung taon nang alaga ni Salceda ang kaniyang puting kalabaw, na dalawang beses nang nanganak.

Ayon sa beterinaryong si Dr. Williefredo Kho, hindi pangkaraniwan pero nangyayari talaga ang pag-aanak ng kambal ng mga kalabaw.

ADVERTISEMENT

"Biruin mo sa isang anakan, dalawa agad. From the time na puwede na niyang ibenta, dalawa na ang mabebenta niya," ani Kho.

Paliwanag pa nito na maaaring itim ang anak ng kalabaw ni Salceda dahil itim rin daw ang tatay nito.

Balak palakihin ni Leonardo ang dalawang kalabaw para mapakinabangan ng kaniyang mga anak.

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.