Mga nase-stress na elepante sa Warsaw Zoo bibigyan ng medical marijuana

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nase-stress na elepante sa Warsaw Zoo bibigyan ng medical marijuana

ABS-CBN News

Clipboard

WARSAW, Poland - Sisimulan ng Warsaw Zoo ang pamimigay ng medical marijuana sa kanilang mga elepante, bilang parte ng kanilang pilot project na masuri kung gaano nito napapababa ang stress sa mga naturang hayop.

Nagagamit na umano ang medical cannabis sa paggamot sa mga aso at kabayo pero ito na umano ang pinakaunang pagkakataon na gagamitin ang hakbang sa mga elepante, ayon kay Agnieszka Czujkowska, ang beterinaryong nangangasiwas sa proyekto, ayon sa Agence France-Presse.

Bibigyan ng liquid doses ng mataas na concentration ng cannabinoid CBD ang tatlong African elephants ng mga zoo sa kanilang mga trompa.

Giit naman ng veterinarian na hindi naman magkakaroon ng euphoria at wala naman itong maidudulot na side effect sa mga atay o bato ng mga elepante.

ADVERTISEMENT

"It's an attempt to find a new natural alternative to the existing methods of combating stress, especially pharmaceutical drugs,” ani Czujkowska.

Ang proyekto aniya ay gagawin matapos mamatay ang alpha female elephant ng grupo ng mga hayop.

Tinitingnan ng zoo ang stress levels ng mga elepante sa pamamagitan ng pagsuri ng kanilang mga hormone levels. Inoobserbahan din kung paano ang pag-uugali ng elepante.

Aabutin ng dalawang taon bago makakuha ng makabuluhang resulta ang research team ni Czujkowska.

Kung magtatagumpay aniya ito ay maaari itong gawin sa iba pang hayop sa mga zoo.

ADVERTISEMENT

"Contrary to what some would imagine, the elephants won't be using cannabis pipes nor will they be getting huge barrels of it" ikinwuento ni Czujkowska nang tumatawa.

Ang intial dose ay katumbas ng kung iilan ang ginagamit sa mga kabayo: isang vial ng CBD oil 2 hanggang 2 beses sa isang araw.

Nabawasan na umano ang insidente ng pagpo-poach sa mga elepante sa Africa, na ngayong nasa 400,000 na lang mula sa iilang milyon noong ika-19 siglo.

— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.