P700,000 na bill sa kuryente ng guro, dahil umano sa human error | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P700,000 na bill sa kuryente ng guro, dahil umano sa human error

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2022 07:14 PM PHT

Isang guro sa Pili, Camarines Sur ang nagbahagi sa social media ng kaniyang bill sa kuryente na umabot ng mahigit P700,000.

Pero sa halip na magreklamo, humugot na lang dito ng biro si Mia Guadalupe, pang-alis ng pagod na dulot ng paghahanda sa pasukan buong weekend.

"P600k lang ang meron ako. Sino pwede magpautang ng P100k para mabayaran ko na itong sa CASURECO2 ngayong buwan?" sabi ni Guadalupe sa kanyang post sa wikang Bikol.

"Magbabayad na ako bukas kasi baka putulan ako," biro niya.

ADVERTISEMENT
Tila maraming naka-relate sa post lalo’t tumaas na muli ng ilang sentimo ang singil sa kuryente ng Camarines Sur Electric Cooperative II.

Ayon kay Guadalupe, umaabot lang sa P6,000 hanggang P7,000 ang bayarin niya sa kuryente bawat buwan. Kaya nagulat siya nang umabot sa ganoong halaga ang bayarin sa kuryente.

“Pinapahabol ko pa sana sa asawa ko yung meter reader kaso hindi na niya raw nakita,” saad nito.

Idinulog ni Mia sa CASURECO II ang bill nitong Lunes. Humingi ng paumanhin at agad itinama ng kooperatiba ang human error sa pagbasa ng kanilang kuntador.

Matapos itama, lumabas na nasa higit P5,200 lang ang bill niya sa kuryente na kailangang bayaran hanggang katapusan ng buwan.

- ulat ni Jonathan Magistrado
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT