Babae, patay nang matuklaw ng ahas na binili sa internet | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, patay nang matuklaw ng ahas na binili sa internet

Babae, patay nang matuklaw ng ahas na binili sa internet

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang babae sa Tsina matapos matuklaw ng nakalalasong ahas na binili niya sa isang online shopping portal.

Nasawi ang 21 anyos na babae mula sa lalawigan ng Shaanxi, China noong Martes, walong araw matapos siyang makagat ng many-banded krait, ayon sa ulat ng Xinhua news agency.

Binili ng babae ang ahas sa isang nagtitinda sa lalawigan ng Guangdong, China sa pamamagitan ng e-commerce platform na Zhuanzhuan.

Sinabi naman ng courier company na nag-deliver sa ahas na hindi nila alam ang laman ng kahong ipinadala sa babae.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ina, balak sana ng babae na gumawa ng snake wine, isang uri ng tradisyonal na alak sa Tsina na pinaniniwalaang nakagagamot at nakapagpapasigla ng tao.

Nakatakas ang ahas matapos ang insidente, batay sa mga ulat, pero kalaunan ay natagpuan din malapit sa bahay ng babae.

Ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga hayop sa mga e-commerce platform pero may ilang nakalulusot dahil sa maluwag na pangangasiwa o pagbabantay.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.