Babae, nanganak sa edad na 59 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, nanganak sa edad na 59

Babae, nanganak sa edad na 59

ABS-CBN News

Clipboard

Nagsilang ng sanggol sa edad na 59 ang isang babae sa Niskayuna, New York.

Isinilang ni Akosua Budu Amoako ang full term 7-pound, 4-ounce na lalaking sanggol sa Bellevue Woman’s Center sa Niskayuna, malapit sa Albany, New York. Ipinangalan ang sanggol sa kanyang ama na si Isaiah Somuah Anim.

Sa halos apat na dekada ng pagsasama, sinubukan ng mag-asawa na magkaroon ng anak at ilang beses ding nabigo. Ngunit sa edad na 59, isinilang ang sanggol sa tulong ng fertility treatment.

Kuwento ni Budu, tumigil na silang sumubok magkaroon ng anak. Subalit matapos mabalitaan na nagsilang ng triplets ang 60 anyos na babae sa Ghana sa tulong ng fertility treatment, nagdesisyon ang mag-asawa na subukan muling magkaanak.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa doktor na si Khushru Irani, may alinlangan siya sa proseso noong una dahil maaaring magkaroon ng komplikasyon kapag nanganak sa edad na 59.

“Initially, when I saw her, I’m saying no, it’s not a good idea for your health to have a baby at your age. But they were very insistent and they wanted to try it out,” ani Irani.

Sumailalim si Budu sa in vitro fertilization sa isang klinika sa Albany. Ginamit sa proseso ang semilya ng kanyang asawa at itlog na mula sa isang donor.

Nagkakahalagang $20,000 ang proseso, mula sa initial screening hanggang sa nagbunga ito, sa loob ng humigit-kumulang isang taon.

Sa ngayon, maayos ang kalagayan ng mag-ina at masaya ang mag-asawa, ayon sa doktor.

-- Ulat mula sa Associated Press

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.