Mga mangingisda, problemado sa 'tilapiang may nunal' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga mangingisda, problemado sa 'tilapiang may nunal'

Mga mangingisda, problemado sa 'tilapiang may nunal'

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

PANGASINAN - Kusang nilalason ng ilang nag-aalaga ng bangus ang tilapiang Gloria, na tinatawag ring "molmol," dahil sa problemang dulot nito sa mga alaga nilang bangus.

Ang tilapiang Gloria ay isang uri ng tilapia na may nunal sa pisngi. Ipinangalan ito sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dahil una raw itong nakita sa Pampanga.

Para sa mga bangus grower, peste ang "molmol" dahil mas mabilis ang kanilang paglaki at pagdami kumpara sa mga bangus, na nagdudulot ng pagkalugi sa mga nag-aalaga ng bangus.

Kung dati-rati, umaabot ng tatlong buwan ang pagpapalaki ng mga bangus, ngayon ay halos anim na buwan na bago maabot ng mga bangus ang kanilang "maturity stage."

ADVERTISEMENT

Ayon sa City Agriculturist, isang uri ng ornamental fish ang molmol at nabubuhay sa tubig-tabang, pero sa pinakahuling monitoring, nabubuhay na rin ang mga ito sa tubig-alat.

Hindi na rin daw mapipigilan pa ang pagdami ng molmol sa palaisdaan dahil sumasama ang mga itlog nito sa tuwing magpapalit ng tubig sa mga palaisdaan.

Bagama't maari itong ibenta sa mas mababang halaga, pinag-aaralan ngayon kung ano pa ang mga paraan na pwedeng gawin para mapakinabangan ang molmol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.