Babaeng lasing 'humugot, nag-split' sa police station sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 07:00 PM | Updated as of Jul 11 2019 08:54 PM

Dala umano ng kalasingan, napa-split ang 37 anyos na babae sa police station sa Iloilo nang sitahin matapos magwala sa bar. Screengrab.

ILOILO CITY - Sinita ang isang 37 anyos na babae nang magwala umano sa bar sa siyudad sa sobrang kalasingan.

Dinala ito sa Police Precinct 1 ng Iloilo City nang magwala sa bar sa Barangay Boulevard Molo.

Nang pakalmahin ng mga pulisya ay humugot pa umano ito tungkol sa pag-ibig.

Sumayaw pa ang babae, bumirit ng mga kanta ng Aegis, at nag-split.

Ayon sa pulisya, ito na ang pangalawang beses na dinala sa police station ang babae dahil sa kalasingan.

Inilagay sa kustodiya ng pulis ang babae hanggang mawala ang kalasingan nito.

-- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.