Gov't employees sa Mulanay, Quezon, dapat laging nakangiti, ayon sa EO | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gov't employees sa Mulanay, Quezon, dapat laging nakangiti, ayon sa EO

Michael Joe Delizo,
ABS-CBN News
Published Jul 08, 2022 07:03 PM PHT
|
Updated Jul 10, 2022 03:22 PM PHT

MAYNILA - Bawal sumimangot?
MAYNILA - Bawal sumimangot?
Isang executive order ang inilabas ng lokal na pamahalaan ng Mulanay, Quezon na nag-uutos sa mga opisyal at empleyado ng Mulanay LGU na laging ngumiti habang nagsisilbi sa publiko.

Sa Executive Order No. 002, Series of 2022, ipinagutos ni Mulanay Mayor Aristotle Aguirre ang pagpapatupad ng “smile policy” bilang flagship program ng lokal na pamahalaan.

Mulanay, Quezon Mayor Aristotle Aguirre orders all government employees and officials to smile while serving the public through an executive order.
Violators will face disciplinary measures. pic.twitter.com/8rh0fNh0ov
— Michael Joe Delizo (@michael_delizo) July 8, 2022

Sa pamamagitan nito, inaatasan ang lahat ng mga empleyado at opisyal sa munisipyo na ngumiti upang iparamdam ang pagiging sinsero, kalmado at palakaibigan habang naglilingkod sa publiko.

May kaukulang disciplinary measures ang sinomang lalabag sa patakaran, batay sa kautusan.

“[T]o institute a positive approach of change true to the promise of “Aangat Aasenso,” all departments/offices/units/sections of the Local Government Unit of Mulanay shall adopt a 'SMILE policy' while serving the people to give sincerity by showing a feeling of calmness and friendly atmosphere,” ayon sa kautusan.

Sa Silang, Cavite, una ring polisiya ni Mayor Kevin Anarna ang pagngiti ng mga empleyado sa munisipyo bilang isa sa mga pagbabago anya sa istilo ng paglilingkod sa bayan.

“Unang-una po, dapat po, ‘pag pumunta po ngayon sa munisipyo, lahat ng empleyado, nakangiti. Bawal nang sumimangot. ‘Yung iba po kasi nating empleyado, hindi ko po alam kung ipinaglihi po sa sama ng loob,” saad ni Anarna sa isang talumpati.

Kulay puti na lang din ang uniporme ng mga empleyado sa munisipyo upang maiwasan ang dibisyon sa pulitika.

“Magsisimula po tayo sa kulay ng damit ng mga empleyado po natin. Hindi na po kulay blue, hindi na kulay pink, hindi kulay orange, hindi kulay green; kundi neutral color na puti na lamang ho. Para po ‘pag punta niyo po sa munisipyo po natin, kahit po kayo’y hindi sumuporta o kayo’y kakampi, hindi niyo po mararamdaman na kayo po ay pagkakaitan ng serbisyo ng atin pong munisipyo. Wala na pong kulay-pulitika,” saad ni Anarna.

Haharap sa disciplinary measure ang mga 'di susunod sa naturang utos.

Read More:
Executive Order No. 002
Series of 2022
Aristotle Aguirre
Mulanay
Quezon
EO
utos
regional news
regional stories
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT