Babaeng buwaya sa Costa Rica zoo may ‘virgin birth’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng buwaya sa Costa Rica zoo may ‘virgin birth’

Yna Salazar
Published Jun 09, 2023 08:04 AM PHT

Hindi pangkaraniwan ang kaso ng babaeng buwaya sa Costa Rica zoo dahil kahit na nanirahan itong mag-isa sa loob ng 16 na taon, nakabuo umano ito ng 14 na itlog na may isang fully-formed na fetus.

Ito ang kauna-unahang kaso ng "virgin birth" ng buwaya na naitala ng mga siyentipiko.

Ang 23 taong gulang na American crocodile o Crocodylus acutus ay dinala sa Costa Rica zoo noong taong 2002 sa edad na 2 taong gulang at nanatili roon na mag-isa sa loob ng16 na taon.

Noong taong 2018, nadiskubre ng mga zookeepers ang umpok ng labing-apat na itlog sa isolated na kulungan. Masasabing nalimliman ang mga itlog ngunit iisa lamang ang nabuong ganap na fetus.

Lumabas sa pagsusuri ng genetika na 99.9 percent match ang resulta ng genetic testing mula sa balat ng inang buwaya at sa puso ng stillborn fetus. Nangangahulugan ito na wala ngang ama ang supling.

Sa pag-aaral na inilimbag ng Royal Society journal na Biology Letters, tinatawag na facultative parthenogenesis ang nangyari sa buwaya kung saan ang itlog ay nagiging embryo nang walang fertilization ng sperm.

Kadalasan itong nangyayari sa mga species na ibon, isda, ahas, at butiki. Sa insidente na virgin birth ng buwaya, tanging genetic material lamang ng ina ang makikita.

Ayon sa National Geographic, sa kaso ng parthenogenesis, nakakahanap ang katawan ng paraan na mapunan ang kailangan nitong genes na kadalasang ibinibigay ng sperm.

Iminungkahi ng mga siyentipiko na maaaring ang genetic na katangian na ito ay namana sa evolutionary ancestor ng buwaya katulad na lamang ng dinosaur na maaaring may kakayahan din na makapag self-reproduce.

Bihira ang kaso ng facultative parthenogenesis ngunit maaaring itong mangyari kung ang specie ay nakakaranas ng mga hindi kanais-nais na kondisyon katulad na lamang ng stress o kaya kawalan ng kasama.

Isinalin sa ulat ng The Guardian
Read More:
Costa Rica
buwaya
American crocodile
Crocodylus acutus
parthenogenesis
virgin birth
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT