TINGNAN: Biik ipinanganak na may 2 ulo, 3 mata sa bayan sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

TINGNAN: Biik ipinanganak na may 2 ulo, 3 mata sa bayan sa Iloilo

TINGNAN: Biik ipinanganak na may 2 ulo, 3 mata sa bayan sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy of Cathy Dulalia Cancel

ILOILO - Ikinabigla ng isang pamilya sa Barangay Quiasan sa bayan ng Balasan ang kakaibang biik na ipinanganak ng kanilang inahing baboy noong Mayo 17.

May kakaiba kasing kondisyon ang 1 sa 13 biik nito — mayroon itong dalawang ulo at tatlong mata. Nang makita ito, ikinuwento ni Cathy Dulalia Cancel na agad nilang kinuhanan ng retrato ang biik.

Dahil kakaiba at suwerte ang ituring ng may-ari dito, pinangalanan siyang Copig dahil ipinanganak nito sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Ayon kay Cancel, binilhan pa niya ng gatas at bote ang biik dahil baka maipit ito kung kasamang iinom ng gatas ang mga kapatid.

ADVERTISEMENT

Pero kinabukasan, namatay si Copig, bagay na ikinalungkot ni Cancel.

Ayon kay Dr. Darel Tabuada, supervising veterinarian at acting veterinary officer ng Iloilo Province, isang congenital anomaly ang kundisyon ng biik. Hindi aniya nabuo ang katawan ni Copig para maging dalawang biik.

"Posible exposed siya sa mga Teratogenic na substances, which include sample na-expose siya sa antibiotics, radiation and or diseases nga nag-hinder sa cell division," ani Tabuada.

Payo ni Tabuada sa mga nag-aalaga ng inahing baboy, siguraduhin na hindi ma stress ang alaga kapag buntis at bigyan ito nang sapat na vitamins at supplements.

— Ulat ni Bea Espino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.