White Lady sa Davao City supot lang pala | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
White Lady sa Davao City supot lang pala

ABS-CBN News
Published May 18, 2022 10:04 AM PHT
|
Updated May 19, 2022 10:54 AM PHT

DAVAO CITY - Kinilabutan ang motoristang si Warren Labadan sa nasalubong sa highway sa Puan, Davao City noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Labadan, pasado alas 10 ng gabi at pauwi na sana siya nang makakita siya umano ng isang white lady na lumulutang sa gitna ng kalsada sa bypass road sa harap ng Reldo Village.

Para umanong mahiwalay sa kanyang katawan ang kanyang kaluluwa sa takot sa kanyang nakita.

Pero nang lapitan nya ito, puting cellophane lang pala ito na nakasabit sa kable ng kuryente.

ADVERTISEMENT
Napag-alamang nilagyan pala ng cellophane ng di nakilalang residente ang kable ng kuryente na nakabitin sa gitna ng kalsada upang hindi maka aksidente.

Dalawa na kasing motorista ang naaksidente sa nasabing daan dahil sa napabayaang kable.

Panawagan niya sa may-ari ng kable na ayusin ito dahil lalo pang delikado at nagdudulot ng takot ang ang ginawa ng ilang residente na lagyan ito ng cellophane.

- ulat ni Francis Magbanua
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT