Puting paniki, namataan sa Samal Island | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Puting paniki, namataan sa Samal Island
Puting paniki, namataan sa Samal Island
Berchan Angchay,
ABS-CBN News
Published May 18, 2020 10:33 PM PHT

SAMAL ISLAND - Ikinagulat ng pamilya Senajonon nang makakita sila ng puting paniki sa kanilang bakuran sa Barangay Remegio, Island Garden City of Samal, Davao del Norte noong Mayo 10.

Sa puti nito, tanaw na ang mga finger bone, tenga, at iba pang bahagi ng hayop kahit nasa malayo.

Ayon kay Barangay Captain Dominador Senajonon, unang beses niyang makakita ng puting paniki sa tanang buhay niya.

"Gitangag to siya sa uwak nakita sakong manghud karon nalooy siya kay nagtiyabaw man gipintik niya ang uwak nahulog tong kwaknit," aniya.

(Nakita umano ng kapatid ko na tinangay ng uwak ang paniki, tinirador nito ang uwak kaya nahulog ang paniki sa sanga ng puno.)

Dagdag ni Dominador, may sugat pa sa pakpak ang paniki.
Nakakain pa nga ng hinog na cardabang saging ang paniki. Di kalaunan ay lumipad na rin ito papalayo.

"Wala na sir gibuhian sakong manghud murag nangahadlok mi sir ba basin naay avian ba o unsa man kay pagka ugma gud ang iyang manok namatay nagtoo siya nga kato na ba ang dautan," ani Dominador.

(Nangamba rin kami sa presensya ng paniki dahil may manok na namatay ng namalagi ito sa aming lugar.)

Cynopterus brachyotis o lesser short-nosed fruit bat umano ang nakitang species ng paniki, ayon sa Department of Environment and Natural Resources Region XI.

Bihira lang umano ang mga ganitong uri ng albino bats sa Pilipinas.

Sa tala ng ahensya, may 79 enlisted bat species ang Pilipinas at 26 nito ay mga pamilya ng fruit bats o tinatawag na flying foxes.

"Ang iyang status ana is least concern medyo daghan-daghan pa siya dapat protektahan pud nato," ani Jayvee Jude Agas, Chief Reg Public Affairs ng DENR-XI.

(Marami-rami pa ang bilang ng ganitong uri ng paniki at kinakailangang pangalagaan ito.)

Ayon sa DENR, may karampatang kasong kakaharapin ang sinumang manghuli ng ganitong uri ng hayop.
Ayon sa DENR, may karampatang kasong kakaharapin ang sinumang manghuli ng ganitong uri ng hayop.
ADVERTISEMENT
Matatagpuan din sa Samal Island ang Monfort Bat Sanctuary na may hawak ng Guinness World Record ng “largest known population of fruit bats” sa buong mundo, na may mahigit 1 milyong paniki.