Kambing, hindi gadgets: Bata, may kakaibang hiling na graduation gift | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kambing, hindi gadgets: Bata, may kakaibang hiling na graduation gift

Dianne Dy,
ABS-CBN News
Published Apr 16, 2019 05:58 PM PHT
|
Updated Apr 16, 2019 08:01 PM PHT

Imbes na gadgets, hiniling ng isang estudyante sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte na maregaluhan ng isang kambing para sa kaniyang graduation.

Sa kaniyang pagtatapos sa elementarya noong Abril 3, hiniling ng 11 anyos na si Alwytz Gaoiran ang isang kambing bilang regalo.

"Timmawag ni Manong ko nu anat kayat ko regalo, kunak kalding ta kayat ko ag-ala, agpaado nak kalding tapno makatulong nak pamilyak," aniya.

(Tumawag ang kuya ko at tinanong kung ano ang gusto kong regalo. Sabi ko kambing, magpaparami ako para makatulong sa pamilya ko.)

Ayon sa bata, hiniling niya ang kakaibang regalo para makatulong sa kaniyang pamilya.

Tinawag ni Alwytz na "Sinyang" ang alagang kambing, na itinuturing na rin niyang kaibigan.

Ayon sa tatay ni Alwytz na si Ronnie, matagal nang pangarap ng bata na mag-alaga ng kambing, pero hindi niya ito mabilhan dahil sa hirap sa buhay.

Dagdag pa ni Ronnie, gusto umano ni Alwytz na magparami ng kambing para may pangkolehiyo siya.

"Tay man magpa-adok ta ton college nak pagison to ada pagbasak, ata narigat kam met lang," ani Ronnie.
"Tay man magpa-adok ta ton college nak pagison to ada pagbasak, ata narigat kam met lang," ani Ronnie.
ADVERTISEMENT
(Kapag naparami namin, may magagamit na kami pang-kolehiyo niya.)

Suma-sideline bilang karpintero si Ronnie, habang nagtatrabaho naman sa ibang bansa ang kaniyang asawa. Sa walo nilang anak, lima ang kanilang pinag-aaral.

Hanga si Ronnie sa kaniyang anak dahil mas iniisip nito na makatulong sa pamilya, imbes na humiling ng mga materyal na bagay.