'Kaninong ngipin ito?': Gulong ng kotse sa Lanao Del Norte, na-flat dahil sa pustiso | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Kaninong ngipin ito?': Gulong ng kotse sa Lanao Del Norte, na-flat dahil sa pustiso

'Kaninong ngipin ito?': Gulong ng kotse sa Lanao Del Norte, na-flat dahil sa pustiso

Sarah Sales,

Bayan Mo i-Patrol Mo

Clipboard

Larawan mula kay Leo Ricarte

MAYNILA — 'Kaninong ngipin ito?'

‘Yan ang patanong na biro ni Bayan Patroller Leo Ricarte, mula sa Barangay Sta. Elena, Iligan City, Lanao Del Norte, dahil sa pustiso na bumutas sa gulong ng sasakyan niya nitong Lunes.

"Hindi lang kapani-paniwala kasi pustiso … ang tibay nang pagkakagawa ... tapos brand new ang tire ko," ani Ricarte.

Kwento ni Ricarte, pasado alas-3 ng hapon nang napansin niya mula sa side mirror na parang may nakadikit na bagay sa gulong niya.

“Pagbaba ko, dun ko napansin, isa palang denture … Naka baon sa tire. Pagtanggal ko, butas ‘yung tire,” aniya.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, sinubukan niya ang ibat-ibang paraan para magamit pa ang nabutas na gulong, pero dahil hindi na ito maayos, kailangan na umano niyang bumili ng bago.

“Ang kakaibahan lang ng interior at tubeless na tire, is pag nabutas ang interior, agad agad mapa-flat ang tire ... ang tubeless hindi, mga isang oras pa bago ma-flat ang gulong."

Aniya, unang beses niyang makaranas ng ganito kaya nag-post din siya sa social media. Sa ngayon may higit 11,000 shares at 6,000 likes na ang post.

IBA PANG KWENTONG KAKAIBA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.