60 talampakang bakal na tulay, ninakaw sa India | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
60 talampakang bakal na tulay, ninakaw sa India

ABS-CBN News
Published Apr 11, 2022 03:04 PM PHT

Isang 500 toneladang bakal na tulay ang binaklas at ninakaw ng isang grupo ng mga kawatan na nagpanggap na mga opisyal sa India kamakailan.

Naiulat noong nakaraang linggo ang pagnanakaw sa Bihar, isa sa mga pinakamahirap na state sa silangang bahagi ng bansa.

Nagpanggap na irrigation official mula sa gobyerno ang mga magnanakaw, sabi ng pulis na si Subhash Kumar sa ulat ng Agence France-Presse.

Gamit nila ang mga bulldozer at gas cutter para mabaklas ang istruktura, na tinakas matapos ang 2 araw, ani Kumar.

ADVERTISEMENT
"They took away the scrap in a heavy vehicle," anang pulis.

May 50 taon nang nakatayo ang tulay sa may water canal bago nangyari ang insidente.

Naglunsad na ng imbestigasyon ang pulisya pero wala pa ring naaaresto hanggang sa ngayon.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT