'Stay at home': Kabaong ginawang barikada sa Bataan checkpoint para quarantine masundan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Stay at home': Kabaong ginawang barikada sa Bataan checkpoint para quarantine masundan
ABS-CBN News
Published Mar 25, 2020 10:19 AM PHT

Para umano maging maliwanag sa taong-bayan ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), napilitan ang pamunuan ng isang barangay sa Orani, Bataan na maglatag ng mga kabaong sa quarantine checkpoints sa lugar.

Dalawang kabaong ang inilagay sa entry at exit checkpoints sa Barangay Mulawin, at nakapaskil dito ang mensahe na: “Stay at home or stay here. COVID-19 is real.”

Pakana ito ng barangay sa pamumuno ng chairman na si Marvin Dela Cruz, na layong bawasan ang pagsuway sa mga patakaran sa quarantine.

Binalaan din ni Dela Cruz ang mga kinasasakupan niya na sumunod sa mga patakaran kung gusto pang humaba ang buhay.
Binalaan din ni Dela Cruz ang mga kinasasakupan niya na sumunod sa mga patakaran kung gusto pang humaba ang buhay.
ADVERTISEMENT
Isinailalim sa extreme enhanced community quarantine ang buong Luzon, kung saan ipinagbabawal - maliban sa pagbili ng mga mahahalagang gamit - ang paglabas sa bahay, para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

Ipinatupad na rin ang 24 oras na curfew sa bayan ng Orani.

—Ulat ni Rod Izon, ABS-CBN News
—Ulat ni Rod Izon, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
odd news
quarantine
kabaong
checkpoints
COVID-19
COVID-19 odd news
community quarantine
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT