Babae nanganak ng 6 sanggol sa loob ng 9 minuto | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae nanganak ng 6 sanggol sa loob ng 9 minuto

Babae nanganak ng 6 sanggol sa loob ng 9 minuto

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 22, 2019 06:58 PM PHT

Clipboard

Kakaiba ang panganganak ng isang babae sa Houston, Texas nang iluwal niya ang kaniyang anim na sanggol sa loob ng 9 minuto.

Nanganak si Thelma Chiaka mula alas-4:50 hanggang alas-4:59 ng madaling araw sa Woman's Hospital of Texas.

May timbang na 1 pound 12 ounces hanggang 2 pounds 14 ounces ang mga sanggol, na binubuo ng dalawang babae at apat na lalaki.

Ayon sa mga pag-aaral, ang tsansang manganak ng sextuplets ay 1 sa 4.7 bilyon.

ADVERTISEMENT

Mas mataas pa umano ang tsansang matamaan ng kidlat (1 sa 9 milyon) o manalo sa lotto (1 sa 302 milyon).

Napangalanan nang Zina at Zuriel ang dalawang babaeng sanggol. Hindi pa napapangalanan ang apat sa sextuplets.

Ayon sa ospital, maayos ang kalagayan ng anim na sanggol, na naka-confine ngayon sa neonatal intensive care unit ng ospital.

-- Isinalin mula sa ulat ng Daily Mail

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.