Year of the Pig: Biik na may 2 ulo pinagkaguluhan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Year of the Pig: Biik na may 2 ulo pinagkaguluhan

Year of the Pig: Biik na may 2 ulo pinagkaguluhan

Yen Mangompit,

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang ulo, dalawang nguso, tatlong mata sa isang katawan. Ito ang kakaibang itsura ng ipinanganak na biik sa Tacurong City sa Sultan Kudarat. Yen Mangompit, ABS-CBN News

TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Pinagkakaguluhan ngayon ng mga residente ng Barangay Calian ang isang biik na may kakaibang itsura.

Alas-10 ng umaga ng Huwebes nang magsimulang manganak ang inahing baboy ni Adelita Dalipe. Normal umanong ipinanganak ang unang pitong biik. Pero nang lumabas ang ika-walong biik, nagulat na lamang siya dahil hindi pangkaraniwan ang itsura nito.

Ang biik ay may dalawang ulo, dalawang nguso at tatlong mata.

Ayon kay Dalipe, feeds lang ang kanyang ipinapakain sa inahin kaya nagtaka siya kung bakit ganito ang itsura ng isang biik.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng veterinarian na si Allan Alimajen Jr, may kondisyong polycephaly ang biik kung saan nagdikit ang sperm at hindi naghiwalay kaya hindi nabuo ang isa pang biik sa halip naging isa ito.

Karaniwan din umano ang ganitong kondisyon sa ilang livestock animals at maging sa mga tao.

Pero kadalasan hindi umano nagtatagal ang may ganitong kondisyon.

Hanggang ngayon ay buhay pa ang biik at aktibong kumilos pero hindi lang ito nakapaglalakad ng maayos dahil sa bigat ng kaniyang ulo.

Hiniwalay rin ito ng may-ari sa ibang biik para hindi madaganan.

Tinuturing namang biyaya ng pamilya Dalipe ang biik na pinangalanan nilang Mara-Clara.

Sa ngayon, wala silang balak ibenta ang biik.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.