Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niya

Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niya

Rowegie Abanto,

ABS-CBN News

Clipboard


Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niyaOnline seller si Angelica Aguado. Larawan kuha ni Maria Tan, ABS-CBN News

MAYNILA — Matapos magsara ang Japanese restobar na pinapasukan niya sa Quezon City nitong nakaraang taon, pinagtuunan ng pansin ng inang si Angelica Aguado ang pagiging online seller.

Hindi lang cafe supplies kundi maging pet supplies at skin care products ang ibinebenta ng 31 anyos na si Aguado sa kaniyang Facebook page. 

Sa umaga bago magbantay ng coffee shop sa Marikina — kung saan niya rin nilalagay ang ibinebentang cafe supplies tulad ng mga gatas at syrup — nagde-deliver si Aguado ng mga inorder sa kaniya, gamit ang kaniyang sariling motor. 

"Malaking tulong sa akin ‘yung motor," ani Aguado.


Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niyaIpinakita ni Angelica Aguado ang larawan kung saan nakaayos na sa kaniyang motor ang ide-deliver na cafe supplies. Larawan kuha ni Maria Tan, ABS-CBN News

Aniya, mahigit 10 coffee shops sa Metro Manila at ilang karatig-lugar ang sinusuplayan niya ng kaniyang mga produkto. 

Kuwento ni Aguado, umaabot siya hanggang Taytay sa Rizal para lang maabot ang kaniyang mga customer. 

Minsan, ipinadadaan na niya sa delivery services ang mga order. Pero kung kaya pa at pasara na ang coffee shop, nagde-deliver pa rin si Aguado sa mga parokyano kahit pasado alas-9 na ng gabi.

Noong nag-aaral pa lang si Aguado ay sanay na siyang mamasukan at dumiskarte para matulungan ang kaniyang mga magulang sa pantustos ng kaniyang pag-aaral.

"Every Saturday or walang pasok nagsa-sideline ako sa resto. Naghuhugas. High school pa lang ako nagpupursige na ako," aniya.


Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niyaMatapos mag-deliver, nagbabantay naman sa isang coffee shop sa Marikina si Angelica Aguado. Larawan kuha ni Maria Tan, ABS-CBN News

Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niyaAngelica Aguado kasama ang kaniyang anak. Larawan kuha ni Maria Tan, ABS-CBN News

Ani Aguado, inspirasyon niya ang kaniyang asawa't 9-anyos na anak sa pagpupursige sa buhay.

"Mataas pangarap ko gusto ng magka-Raptor. Gusto ko magkaroon ng sariling bahay at lupa. Siyempre 'yung future niya (anak) kasi if ever mawala ako. Kasi hindi habambuhay malakas ako," sabi niya.

"Kung hindi ako aalis sa comfort zone ko hanggang dito na lang ako. Kumbaga andito lang, kumbaga hindi lalawak…hindi ako lalawak," dagdag niya.


Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niyaAngelica Aguado. Larawan kuha ni Maria Tan, ABS-CBN NewsBagama’t may trabaho naman ang kaniyang asawa — na rider sa isang pharmaceutical company — napipilitan si Aguado na magdoble kayod dahil marami aniyang bayarin tulad ng pantustos sa pag-aaral ng anak at pambayad ng renta sa bahay. 

Binabayaran pa rin niya ang inutang na pera nang maospital ang asawa nitong nakaraang taon. Nagpapadala rin aniya siya ng pera sa mga magulang sa Quezon.

"Isang araw na wala akong benta, bukas di puwedeng wala akong benta. Kailangan meron," aniya.

Nang tanungin ng mensahe para sa mga kapwa niya ina ngayong Mother’s Day, ani Aguado, "Kapit lang 'wag tayong mawawalan ng pag-asa."


Ina rakitera sa Marikina, seller at rider din ng mga produkto niyaPalangiti si Angelica Aguado sa kabila ng mga hamon sa buhay. Larawan kuha ni Maria Tan, ABS-CBN News

PANOORIN:




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.