Presyo ng sibuyas sa Divisoria bumaba sa P550 kada kilo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng sibuyas sa Divisoria bumaba sa P550 kada kilo

ABS-CBN News
Published Dec 30, 2022 06:35 AM PHT
|
Updated Dec 30, 2022 07:03 AM PHT

MAYNILA—Kung nitong Huwebes, nasa P650 kada kilo ang presyo ng mga sibuyas dito sa palengke ng Divisoria, ngayong Biyernes nasa P550 kada kilo na ito ibinebenta.

Pero hindi pa rin natuwa ang ilang tindera kagaya ni Angelica Pedyan. Aniya, konti lang ang binaba nito.

Inirerekomenda rin ng Department of Agriculture na ipako sa P250 ang suggested retail price ng pulang sibuyas simula ngayong Disyembre 30. Pero sa Divisoria Market, walang tindahan ng sibuyas ang nagbebenta ng mas mababa pa sa P500 kada kilo.

At kahit may pagbaba na sa presyo ng pulang sibuyas sa Divisoria, matumal pa rin ang bentahan dahil patuloy pa ring umaaray ang mga mamimili.

Inaasahan ng DA na bababa nang husto ang presyo ng sibuyas sa mga sususunod na buwan lalo na sa harvest season mula Marso hanggang Abril.

Samantala, kahit na mataas ay wala pa rin paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Divisoria kagaya ng manok sa P210, baka sa P320 at baboy sa P290.

Ang mga isda, gaya ng galunggong at tilapia, ay parehong mabibili sa P120 kada kilo.

Mabibili naman ang mantika sa P80 kada litro, asin sa P15 kada kilo, at asukal sa P85 hanggang P90 kada kilo.

—Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT