Pagpataw ng P250/kilo na SRP sa sibuyas inirerekomenda | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpataw ng P250/kilo na SRP sa sibuyas inirerekomenda

ABS-CBN News
Published Dec 29, 2022 06:56 PM PHT
|
Updated Dec 29, 2022 09:34 PM PHT

MAYNILA - Inirerekomenda ng Department of Agriculture at stakeholders ang pagpapataw ng P250 kada kilong suggested retail price sa pulang sibuyas.

Target na simulan ito sa Biyernes hanggang sa Disyembre 31.

Sa stakeholders meeting ng Department of Agriculture, lumalabas na araw-araw tumataas ng P50 ang presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Umabot naman sa P700 kada kilo ang sibuyas sa ilang parte sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT
Isa sa nakitang dahilan kung bakit sumipa nang labis ang farm gate price ay ang nangyaring bidding sa mga magsasaka at mga bumibili ng sibuyas.

"Ang nangyari, hindi lamang po kasi household consumers ang nangangailangan ng mga sibuyas. Mayroon din po tayong mga institutional buyers. Ito po 'yong mga restaurant. Dahil sa pangangailangan nila, sila rin po ay dumiretso sa ating mga farmers," ani DA Spokesperson Kristine Evangelista.

"But what happened also was bidding ang nangyayari. So 'pag nagtaas po ng presyo ang isang buyer, then 'yong mga buyer na iba kailangan po para mabili nila 'yong sibuyas tapatan nila 'yon o dapat mas higit pa. Kaya isa po 'yon sa mga rason kung bakit tumaas daw ang farm gate [price]."

Isinasantabi na rin ng DA ang importasyon para maiwasang makipagkompetensiya sa mga magsasakang aani na sa Enero.

Ngayon, nakikipagkompromiso sila sa producers na tulungan silang ibaba ang farm gate price para hindi na pumalo sa labis na presyo ang retail.

Nilinaw din ng DA na hindi naman daw nila hahayaang malugi ang mga nagtitinda na nakabili ng sibuyas nang mataas ang puhunan at hindi kayang ibenta ito sa P250.

Hindi rin sila umano mangungumpiska ng mga suplay at kakausapin nang maayos ang mga tindera.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT