Mga paninda sa Divisoria bagsak-presyo sa bisperas ng Pasko | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga paninda sa Divisoria bagsak-presyo sa bisperas ng Pasko

Mga paninda sa Divisoria bagsak-presyo sa bisperas ng Pasko

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbagsak na ng presyo ang ilang nagtitinda sa Divisoria, Maynila ngayong Lunes, bisperas ng Pasko, kasabay ng pagkaunti ng mga mamimili kompara noong mga nagdaang araw dahil umano sa pag-ulan.

Ilan sa mga paninda ay nagmura ng P50 hanggang P150 at may mga nag-aalok din ng "buy-one, take-one."

May ilan din namang tindero na hindi binago ang kanilang mga presyo dahil sa takot na malugi.

Ilan sa mga bilihing bagsak-presyo sa Divisoria ang mga sumusunod:
• Manyika - P150 mula P250
• Laruang truck - P100 mula P150
• Bag pambata - P180 (dalawa) mula P200
• Damit pambabae - P100 (tatlong piraso) mula P50 (kada piraso)
• Pantalon pambabae - P280 mula P350
• Polo shirt panlalaki - P280 mula P350
• Backpack panlalaki - P320 mula P450
• Relo - P150 mula P250

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa ilang manininda, tila kumonti ang dami ng mga taong bumibili sa Divisoria nitong Lunes kompara noong mga nakaraang araw, na palagay nila ay dahil sa sama ng panahon.

"Parang hindi Pasko kasi maliit 'yong namimili," sabi ng tinderang si Nor Maomin.

"Kung hindi umulan ngayon, mas marami ngayon [ang bumibili]," sabi naman ng tinderong si Ibrahim Umpa.

Sinamantala ng mga gaya ni Jason Masuela ang pamimili sa Divisoria habang bagsak ang mga presyo. Naubos ang P7,000 nila ng kaniyang asawa sa pamimili ng mga regalo sa tatlong anak.

"Ngayon lang nakaano ng bonus eh," sabi ni Masuela.

Samantala, pila na rin ang mga mamimili ng hamon sa Excelente Chinese Cooked Ham sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa cashier ng tindahan na si Sheila Valencia, nagmahal ng P20 hanggang P30 ang kada kilo ng kanilang ham dahil sa pagmahal ng mga sangkap.

"Lahat ng spices, ginagamit sa paggawa ng hamon, tumaas lahat. Kaya siyempre kailangan din tumaas ang presyo," ani Valencia.

Narito naman ang presyo ng kada kilo ng ham sa naturang tindahan:
• Chinese ham sliced (with mixed syrup) - P1,320 kada kilo
• Chinese ham sliced (with separate syrup) - P1,460 kada kilo
• Bone-in ham - P1,320 kada kilo
• De-bone ham - P1,220 kada kilo
• Pineapple sweet ham - P1,000 kada kilo
• Pear-shaped ham, cooked - P760 kada kilo
• Scrap ham - P1,240 kada kilo

--Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.