Trial domestic flight sa bagong terminal ng Clark International Airport, isinagawa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Trial domestic flight sa bagong terminal ng Clark International Airport, isinagawa

ABS-CBN News
Published Dec 19, 2021 01:51 PM PHT

Binuksan sa publiko ang state of the art na pasilidad ng bagong passenger terminal ng Clark International Airport (CIA) sa isinagawang trial domestic flight noong Martes.

Isinagawa ang trial flight papuntang Cebu kasama ang nasa 130 na pasahero. Layon nitong maplantsa ang sistema ng mga bagong pasilidad ng airport.

Naranasan ng mga travelers ang high-tech features ng paliparan tulad ng check-in kiosks, automated bag-drops, contactless ordering system, automatic tray retrieval system at iba pa.

“These are trial flights so hindi pa siya signal na fully operational na yung terminal. It’s part of our airport readiness transport procedure where in tine-test natin 'yung system, tinetest natin 'yung kaalaman ng mga tao just to make sure na handa sila once na open na natin 'yung terminals,” ani Teri Flores, head ng corporate communications ng LIPAD (Luzon International Premier Airport Development Corporation).

Pagpasok ng mga pasahero sa airport, kailangan mag-scan ng QR code. Gamit ang smart phone, pwede nang mag-check-in ang biyahero. Kasama na rito ang flight selection, baggage check-in at pag-imprenta ng mga boarding passes at luggage tags.

Anila, asahan na mas marami pang trials ang gagawin sa mga susunod na buwan bago tuluyang gawing fully operational na ang bagong terminal.

“Para ma-improve natin 'yung mga discrepancies na makikita. Sa lahat ng mga trial, lalung-lalo na ito 'yung first time, laging may room for improvement. Pero over-all, masasabi natin na napaka-succesful at smooth sailing ng ating trial,” ani Flores.

Aabot sa 30,000 na pasahero kada araw ang inaasahang pupunta sa terminal kapag naging fully operational na ito pagpatak ng summer sa susunod na taon.

— Ulat ni Gracie Rutao
KAUGNAY NA ULAT:
Read More:
Tagalog News
PatrolPH
Regional News
Regions
Clark International Airport
Pampanga
LIPAD
Clark airport
aviation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT