Mga manggagawa, negosyante: Hulog sa SSS, PhilHealth huwag muna taasan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga manggagawa, negosyante: Hulog sa SSS, PhilHealth huwag muna taasan

Mga manggagawa, negosyante: Hulog sa SSS, PhilHealth huwag muna taasan

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 17, 2020 09:34 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) - Bawas ang kita ni Jennifer Bado simula noong nagka-pandemya dahil kumaunti ang kostumer sa pinagtatrabahuhang restaurant.

Pero tuloy umano ang kaltas sa sahod ni Bado para sa hulog sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sana raw ay huwag munang magtaas ang kontribusyon dahil bawas din ito sa kabuuang suweldo niya.

"Pakiusap ko lang po, kung puwede, sa 2022 na lang po ganapin 'yang mga ganyang pagtaas dahil sa ngayon, 'di pa namin kaya," ani Bado.

ADVERTISEMENT

Nakiusap din sa SSS at PhilHealth ang boss ni Bado na si Vicenta Balana, na kung maaari'y huwag ituloy ang nakatakdang dagdag-kontribusyon simula Enero 2021.

"'Di pa nga kami nakakabawi ngayon, magdadagdag [na] naman. Maliit man o malaki, pareho din 'yon, mababawasan din ang kita," ani Balana.

Nakuha ng ABS-CBN News ang kopya ng sulat ng Philippine Exporters Confederation, Inc. at Employers Confederation of the Philippines (ECOP) para sa SSS at PhilHealth na nakikiusap na huwag munang ituloy ang dagdag-kontribusyon dahil may pandemya pa.

"They should temper their authority with compassion. 'Di naman pupwedeng nasa batas 'yan, eh gagawin na nila. Isipin nila kapakanan ng mamamayan at ng negosyo," ani ECOP Chairman Ed Lacson.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Para naman sa People Management Association of the Philippines (PMAP), pabigat sa naghihikahos nang mga employer at manggagawa ang dagdag-hulog.

ADVERTISEMENT

"Dapat hindi sila maging pabigat at this time because this is just a temporary period. Kailangan pagaanin mo ang kondisyon ng employee at employers," ani PMAP Executive Director Rene Gener.

Sa SSS, mula 12 porsiyento, magiging 13 porsiyento ang kontribusyon.

Ibig sabihin, kung P14,000 ang buwanang sahod, nasa P140 ang dagdag-hulog.

Kung 20,000 ang sahod, P200 ang dagdag-kontribusyon.

Sa PhilHealth naman, ayon sa batas, mula 3 porsiyento, magiging 3.5 porsiyento ang kontribusyon, o katumbas na dagdag na P50 sa minimum ang suweldo.

ADVERTISEMENT

Ilang araw bago pumasok ang 2021, wala pa ring anunsiyo ang SSS at PhilHealth kung tuloy o hindi ang dagdag-kontribusyon.

Pero maglalabas daw ang parehong ahensiya ng gabay para sa mga miyembro sa mga susunod na araw.

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.