Karne ibinebenta ng lagpas sa SRP sa ilang palengke | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Karne ibinebenta ng lagpas sa SRP sa ilang palengke

Karne ibinebenta ng lagpas sa SRP sa ilang palengke

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinebenta ang karneng baboy sa Angeles City Public Market sa Pampanga, October 29, 2019. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA — Mas mataas sa suggested retail price (SRP) ang presyo ng karneng ibinebenta sa ilang palengke sa Metro Manila, base sa pag-iikot ngayong Miyerkoles ng ABS-CBN News.

Sa Kamuning Market halimbawa, nasa P160 ang presyo ng kada kilo ng manok, mas mataas nang P20 sa SRP na P140.

Naglalaro naman sa P300 hanggang P340 ang presyo ng karneng baboy, mas mataas kumpara sa SRP na P260 hanggang P290.

Mabibili naman ang kada kilo ng beef sa halagang P400 gayong P380 lang ang SRP nito.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga nagtitinda, tumataas talaga ang presyo ng karne habang papalapit ang Pasko.

Nagbabala ang Department of Agriculture sa mga nagtitinda na huwag magtakda ng presyo nang mas mahal sa SRP.

Inabisuhan ni DA Spokesperson Noel Reyes ang publiko na i-report sa mga numerong 09772864799 o 09178500946 ang mga palengkeng nagtitinda nang mas mahal sa SRP.

Tindahan ng ham dinagsa

Samantala, nagsimula nang dagsain ang isang sikat na tindahan ng ham sa Quiapo, Maynila.

Hindi lahat ay pinapayagang makapasok sa tindahan para matiyak na nakakapagpatupad ng physical distancing, isang hakbang kontra COVID-19.

ADVERTISEMENT

Chine-check din ng mga guwardiya ang temperatura ng mga taong pumapasok sa establisimyento.

Ayon sa staff ng naturang tindahan, nasa P1,400 hanggang P1,540 ang presyo ng kada kilo ng Chinese ham.

Nasa P1,360 naman ang scrap ham habang P1,420 ang bone in ham.

Inaasahan ng mga tauhan ng establisimyento na dadami pa ang mga pipila para sa kanilang ham habang papalapit ang Pasko.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVE

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.