'Don't sign': Biktima ng BDO hack dehado umano sa quitclaim | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Don't sign': Biktima ng BDO hack dehado umano sa quitclaim

ABS-CBN News
Published Dec 15, 2021 06:24 PM PHT
|
Updated Dec 16, 2021 11:48 AM PHT

MAYNILA — Nitong Miyerkoles ng hapon, pinuntahan ni Justine Sy ang kanyang BDO branch para pumirma ng mga dokumento at makuha ang P50,000 na ninakaw sa kanyang account noong weekend.

Laking-tuwa ni Sy pagkatapos niya makuha ang pera, pero napaisip siya sa requirement ng BDO na quitclaim.

Isa itong dokumento na kung maprimahan, hindi na maaaring gumawa ng legal action ang biktima laban sa BDO.

"May dalawang routes kasi. It's either mag-sign ka ng quitclaim and get your money now or second mag-sue, magdemanda. Pero mostly sa aming grupo gusto mag-sign na lang and we can get your money back fast," aniya.

ADVERTISEMENT
Pero ayon kay consumer rights advocate at dating DTI undersecretary
Vic Dimagiba, dehado ang mga biktima sa quitclaim dahil maaaring mas malaki ang halaga na nawala sa kanila sa cyber attacks at lugi sila kung ang ninakaw na pera lamang ang ibabalik ng BDO.

"Don't sign. Victims can reserve the right to claim actual damages suffered. Example. A housing loan installment payment was due when the cybercrime happened. Payment was not made because the deposit was lost. There was default in loan payment. That can be messy. BDO should ensure that depositors are placed in a good and harmless conditions in the same situation as before the loss," paliwanag ni Dimagiba, isang abogado.

Si Cecil Andres naman ay nabahala dahil ang unang requirement ng BDO ay pumirma ng quitclaim sa branch of account.

Nasa Ilocos kasi ngayon si Andres, malayo sa branch niya sa Bacoor, Cavite.

Pero tinulungan siya ng kanyang branch manager para sa closest branch na lang siya pumunta at na-reimburse na rin siya.

Ayon sa BDO, maaari na rin itong gawin ng iba pang biktima.

Pero nalulungkot si Andres dahil may mga kasamahan pa sila na hindi pa nakukuha ang kanilang pera.

"Many of us kasi also are OFWs so nasa ibang bansa po yung iba, nasa province yung iba. That is our question kung paano ba ang gagawin nila. Pwede ba sila mag-authorize ng kamag-ank nila or family nila just to go to the branch?" tanong ni Andres.

Ayon pa kay Andres, hindi Unionbank ang ginamit ng mga kawatan para kunin ang kanyang pera kundi GCash.

May isa pang biktima na nagsabi na hindi rin Unionbank ang ginamit ng mga cybercriminals nung ninawakan siya noong weekend kundi BPI.

Kinumpirma naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) director Melchor Plabasan na lumabas sa kanilang surveillance na hindi lang Unionbank ang ginamit sa mga cyber attacks kaya maaari nilang palawakin pa ang kanilang imbestigasyon.

—Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT