Presyo ng lechon sa QC, tataas nang hanggang P1k bago mag-Pasko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Presyo ng lechon sa QC, tataas nang hanggang P1k bago mag-Pasko

Presyo ng lechon sa QC, tataas nang hanggang P1k bago mag-Pasko

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 07, 2021 08:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hanggang P1,000 ang itataas ng presyo ng lechon sa La Loma, Quezon City bago ang Pasko, sabi ngayong Martes ng samahan ng mga lechonero.

Narito ang mga inaasahang presyo sa La Loma, isa sa mga kilalang bilihan ng lechon, habang papalapit ang Pasko:

5 kilong lechon

  • Dati - P6,500
  • Dec. 1 hanggang 16 - P7,000
  • Dec. 17 hanggang 25 - P7,500

6 hanggang 7 kilong lechon

  • Dati - P7,500
  • Dec. 1 hanggang 16 - P8,000
  • Dec. 17 hanggang 25 - P8,500

10 hanggang 11 kilong lechon

  • Dati - P9,000
  • Dec. 1 hanggang 16 - P9,500
  • Dec. 17 hanggang 25 - P10,000

Tumataas ang presyo dahil sa malaking demand at pagmahal ng presyo ng mga sangkap kasama na ang mismong baboy, ayon kay La Loma Lechoneros Association President Ramon Ferreros.

Ayon pa kay Ferreros, tiyak na magmamahal pa ang lechon habang papalapit ang Bagong Taon.

ADVERTISEMENT

"Mas dodoble ang demand," aniya.

Sa Excelente Ham, isang sikat na bilihan sa Maynila, siksikan na rin ang mga mamimili habang papalapit ang Pasko.

May mga ham na nagmahal nang P40 hanggang P60 kada kilo pero may mga nanatili naman ang presyo.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), kahit kumaunti ang mga lugar na apektado ng African swine fever (ASF), hindi pa rin nakakabawi sa supply kaya mahal ang baboy sa ngayon.

Halimbawa, kung ang biik na hanggang 10 kilo ay may presyong P1,500 hanggang P2,500 dati, ngayo'y umaabot na ito sa P7,000.

"Hindi naman deretso at immediate 'yong impact noong pag-control natin sa ASF doon sa presyo sa merkado," paliwanag ni BAI Director Reildrin Morales.

"We are still reeling at nararamdaman pa rin natin 'yong impact na 'yan," aniya.

Dahil dito, mabenta ang lechon belly na puwedeng alternatibo sa lechon pero hindi singbigat sa bulsa.

Nasa P1,400 ang tinda ng isang online seller sa 2 kilong belly.

"Sa lechon belly, makakamura sila, lahat 'yon mako-consume nila," ani RJ Pingol na nagbebenta ng lechon belly.

Ayon sa BAI, tinutulungan nila ang mga importer na makapagparating ng sapat na supply at murang feed inputs para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng baboy.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.