Higit 50,000 trabaho alok sa job fairs ngayong Disyembre | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 50,000 trabaho alok sa job fairs ngayong Disyembre

Higit 50,000 trabaho alok sa job fairs ngayong Disyembre

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Good news para sa mga naghahanap ng trabaho dahil may 50,000 trabaho ang maaaring aplayan.

Nasa 30,000 trabaho ang iaalok sa iba-ibang venue ng mga job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE):

  • Disyembre 4 - Ayala Malls Legazpi, Albay
  • Disyembre 5 - Bacnotan, La Union
  • Disyembre 5 - Robinsons Galleria South, San Pedro City, Laguna
  • Disyembre 9 - Robinsons Place, San Nicolas, Ilocos Norte
  • Disyembre 11 - Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos, Pangasinan
  • Disyembre 16 - Dagupan City Astrodome, Pangasinan

Pinakamaraming may bakanteng posisyon ay mula sa construction gaya ng karpintero, steelman, at mason. May mga trabaho rin sa business process outsourcing.

Kasama rin sa iniaalok ang nasa 20,000 trabaho abroad para sa mga bansa sa Middle East, Russia, Japan, at New Zealand.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga hinahanap sa mga nasabing bansa ay production worker, nurse, laboratory technician, at respiratory technician.

Makikita ang mga bakanteng posisyon sa website ng Philjobnet.

Kasado na rin ang 4 na job fair ng Presidential Commission For the Urban Poor (PCUP) bago mag-Pasko.

Sa job fairs ng PCUP, direktang mag-aalok ng 5,000 trabaho sa mga mahihirap na komunidad sa Cebu, Davao City, Nueva Ecija, at Pasay City. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.