Presyo ng gasul, fiesta gas, nakatakdang bumaba

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2017 06:46 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Magpapatupad ang Petron Corporation ng pagbaba sa presyo ng gasul at fiesta gas.

Nasa P0.40 ang ibababa ng kada kilo ng gasul at fiesta gas.

Epektibo ang bawas-singil simula Biyernes, Disyembre 1, ng madaling araw.

Nasa P0.20 kada litro naman ang bawas ng Petron sa presyo ng auto-liquefied petroleum gas (LPG).

Isasalamin umano nito ang international contract price ng LPG sa Disyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.