Dagdag-buwis sa langis sa Enero, nakaamba | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dagdag-buwis sa langis sa Enero, nakaamba

ABS-CBN News
Published Nov 29, 2018 04:01 PM PHT
|
Updated Nov 29, 2018 07:42 PM PHT

(UPDATED) Nanganganib na matuloy ang pagpataw ng dagdag-buwis sa produktong petrolyo sa Enero ng susunod na taon matapos itong irekomenda nitong Huwebes nina Finance Secretary Carlos Dominguez.

Nangangailangan pa rin ng basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nina Dominguez.

Sa isang press conference, sinabi ni Dominguez na hindi na nakikita ng Development Budget Coordination Committee na kailangan pa ang suspensiyon sa dagdag-buwis dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ang rekomendasyon nilang itaas ang buwis sa langis ay tatalakayin sa darating na Cabinet meeting sa Martes, Disyembre 4.

ADVERTISEMENT
DBCC: The second fuel tax hike will push through in January.
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) November 29, 2018

Nauna nang sinabi ng economic team noong Oktubre na sinususpende ng gobyerno ang dagdag-buwis sa langis sa Enero 2019 bilang tugon sa isyu ng inflation o iyong bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Noong mga panahon ding iyon, umabot na sa $80 kada barrel ang presyo ng Dubai crude. Ito ang presyo ng Dubai crude na kailangan para suspendehin ang dagdag-buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Subalit kamakailan ay bumaba ang presyo ng Dubai crude.

Sa ilalim ng TRAIN law, nakatakdang magkaroon ng dagdag sa buwis sa langis kada taon sa loob ng tatlong taon simula Enero 1, 2018.

Hiniling naman ni Sen. Joseph Victor "JV" Ejercito sa economic managers na huwag nang bawiin ang suspensiyon sa dagdag-buwis.

"Ngayong nakakahinga na nang kaunti ang ating mga kababayan, eh papatawan na naman natin ng pagtaas ng buwis na tiyak na magpapataas muli sa presyo ng mga pangunahing bilihin," sabi sa pahayag ni Ejercito.

Isa si Ejercito sa mga senador na umapela kay Duterte noong Oktubre na suspendehin ang dagdag-buwis.

--Ulat nina Joyce Balancio at Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT