Presyo ng Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal ‘di tataas hanggang katapusan ng taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng Pinoy Tasty, Pinoy Pandesal ‘di tataas hanggang katapusan ng taon

ABS-CBN News
Published Nov 20, 2021 03:10 PM PHT

MAYNILA— Nangako ang industriya ng panaderya na hindi magtataas ang presyo ng Pinoy Pandesal at Pinoy Tasty hanggang sa katapusan ng taon habang hindi mapigil ang paggalaw ng presyo ng ibang tinapay sa harap ng nagtataasang halaga ng mga sangkap para dito.

“Ang promise namin, sa remaining months of the year, Pinoy Tasty will remain at P35 per loaf and Pinoy Pandesal will remain at P21.50 per bag of 10 pieces, guaranteed hindi liliit 'yung tinapay,” pahayag ni Johnlu Koa, presidente ng Philippine Baking Industry Group.

Ganito rin ang pangako ng grupo ni Lucito Chavez, dating vice president at tagapagsalita ng Philippine Federation of Bakers Association.

“Pare-pareho lang kami ng commitment d'yan sa Department of Trade [and Industry]. Ito’y isang usapan ng grupo ng lahat ng gumagawa ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay mananatili ang presyo. Sunuran kami rito. Hindi kami pwedeng kumalas sa aming usapan dito dahil nasa likod namin ang DTI, magkakasama kami sa industriya, suportahan kami,” sabi ni Chavez.

Pero ayon kay Chavez, makikipag-negotiate sila sa presyo ng tinapay pagkatapos ng taon dahil sa tumataas na cost ng paggawa nito..

“Ang presyo ng harina subsidized. How about other products, 'yung mga rental cost natin, LPG, ang matindi dito 'yung disinfectant, alcohol, face masks, sa loob ng ilang taon hindi naman nagtaas ang presyo ng produktong tinapay. Saan namin kukunin ang recovery cost? By this time survival cost kung magkaroon man ng paggalaw sa presyo ng tinapay,” sabi ni Chavez.

Paliwanag ni Koa lahat naman aniya ng ginagamit nila ay commodities na may pagtaas at pagbaba ng presyo.

“Yung presyo ng flour, vegetable lard, LPG, margarine, yeast, egg, butter, lahat naman commodities. They go through up and down cycle. We’re hoping na mataas ang presyo ngayon, maraming producers gagawa sila sa buong mundo at dadami ang supply, baka paglipas ng iilang buwan bababa din 'yun. 'Pag bumaba naman 'yung mga ingredients probably 'yung increase would not be as severe,” sabi ni Koa.

Pero para sa mga community bakers, posibleng magtaas ang presyo ng ibang tinapay nila tulad ng monay, Spanish bread at loaf bread .

“Definitely there will be a change in the price tag sa mga produktong 'yan. Di 'yan maiiwasan lalong-lalo na mga hand-to-mouth operation na community bakery. Wala tayong magagawa," aniya.

Bagama't may pagtanggap naman umano ang mamimili, mahirap aniya para sa mga community bakers dahil sila ang nakaharap sa mga mamimili sa komunidad.

Dagdag ni Koa na sa industrial bakers, pareho rin ang kinakaharap na problema tulad ng community bakers.

“With this increase in commodity prices, everybody is expected to just to recover fully or partially. From my own estimates, to fully recover you will need to adjust between 5 [and] 10 or 12 percent. So a loaf of bread that costs P50 would have to be sold at P55. To partially recover probably people would take half of that. Just to recover the cost of flour,” sabi ni Koa.