PatrolPH

Dagdag-pasahe sa LRT-1 nagbabadya

Jacque Manabat, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2022 03:39 PM | Updated as of Nov 14 2022 08:06 PM

EDSA Station ng LRT-1 noong Enero 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
EDSA Station ng LRT-1 noong Enero 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File

Nagbabadyang tumaas ang singil sa pasahe ng LRT-1 sa unang bahagi ng susunod na taon.

Sa unang quarter ng 2023, posibleng maglabas na umano ng desisyon ang Department of Transportation sa petition ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng singil sa pasahe.

Nakasaad kasi sa kontrata ng LRMC at gobyerno na kada 2 taon ay magtataas ng singil sa pasahe ang LRT-1.

"I think the private sector deserves to recover their investment. They will provide a very good experience to the passengers. And with that, I think they should be able to recover their investments and make a reasonable rate of return on these investments," sabi ngayong Lunes ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Watch more News on iWantTFC

Taong 2016 nang mag-take over ang LRMC sa operasyon at maintenance ng LRT-1. Kasama sa kontrata ang paggawa ng P64.9 bilyon na LRT-1 Cavite extension project.

Naghain ng petisyon ang LRMC ng taas-singil noong 2016, 2018, 2020 at ngayong Abril.

Nasa P5.46 ang increase sa minimum fare na hiling ng LRMC at kapag naaprubahan ito, magiging P16.46 ang ngayo'y 11 na base fare at may dagdag na P1.50 kada kilometro.

"Our agreements entail rehabilitating and building the system. So the fare adjustments are a part of that," ani LRMC President Juan Alfonso.

Sa ngayon, nakabinbin pa ang hiling ng LRMC.

Ngayong Lunes, nag-inspeksiyon si Bautista sa mga ginagawang istasyon sa LRT-1 extension project, na 75 porsiyento na umanong kumpleto.

Sa 2028 target maging operational ang buong LRT-1 Cavite extension.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.