‘Nakakapanghinayang’: Mga palay sa ‘rice granary ng CamSur’ pinadapa ng Rolly | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Nakakapanghinayang’: Mga palay sa ‘rice granary ng CamSur’ pinadapa ng Rolly

‘Nakakapanghinayang’: Mga palay sa ‘rice granary ng CamSur’ pinadapa ng Rolly

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 07, 2020 06:48 PM PHT

Clipboard

Sa Barangay Malansad Viejo, nakadapa ang ekta-ektaryang tanim ng palay matapos ang hagupit ng bagyong Rolly. ABS-CBN News

MAYNILA - Mag-iisang linggo na ang nakalipas matapos ang hagupit ng super typhoon Rolly sa bayan ng Libmanan, ang tinaguriang "rice granary" ng Camarines Sur.

Sa Barangay Malansad Viejo, nakadapa pa rin ang ekta-ektaryang tanim ng palay.

Si Romeo Ang, inani ang mga palay kahit hilaw pa kaya kakaunti lang ang napakinabangan.

Ang magsasakang si Amadeo Acobado, hindi na ibebenta ang naisalbang palay dahil mababa na ang presyo.

ADVERTISEMENT

"Pag binenta pa namin to baka kung P5 na lang ang kilo nito, kaya ano na lang pansarili na lang sa pakain na lang, hindi na ititinda, nakakapanghinayang dahil kakaunti na lang nga nakukuha tapos pag panahon pa ng anihan halos gusto na lang hingiin yung palay ng mga mamimili," ani Acobado.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, 90 porsiyento ng 75 barangay ng Libmanan ang naapektuhan ng super typhoon Rolly.

Umaabot na rin sa P29 milyon ang naiulat na inisiyal na pinsala sa agrikultura, habang nasa P5 milyon ang naiulat na pinsala sa imprastraktura sa bayan.

Nakapaghatid na ng higit 1,000 relief goods ang Department of Social Welfare and Development sa Libmanan pero wala pang naihahatid ang mismong LGU dahil naghahanap pa umano ng pondo.

"Nahihirapan po tayo dahil yung pera na lang kung saan tayo kukuha pantustos dun sa mga pang-rehab natin or pang repair ay wala tayong makuha every naman yung agency, yun LGU yung barangay wala na po talagang pera," ani Rowena Torres, MDRRMO head ng Libmanan.

Sinisikap na rin ng Camarines Sur Electric Cooperative 2 na maibalik ang suplay ng kuryente sa buong Libmanan at ika-2 distrito.

Balik-operasyon na rin ang mga biyahe ng Philippine National Railways mula Naga hanggang Libmanan.

-- Ulat ni Jonathan Magistrado

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.