SRP sa isda, halos di nasusunod; BFAR 'pinaghihinalaan' ang traders | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SRP sa isda, halos di nasusunod; BFAR 'pinaghihinalaan' ang traders

ABS-CBN News
Published Nov 07, 2018 07:52 PM PHT
|
Updated Aug 04, 2019 01:03 PM PHT

Mas mataas pa rin sa suggested retail price (SRP) ang bentahan ng isda sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa pag-iikot sa Commonwealth Market sa Quezon City, halimbawa, lumabas na naglalaro sa P180 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo ng bangus na itinitinda ng ilang retailer, mas mataas sa itinakdang SRP na P160 kada kilo.

Umaabot naman sa P120 kada kilo ang itinitindang tilapia sa Commonwealth Market kahit P100 ang SRP nito, at P160 naman ang kada kilo ng galunggong na may SRP na P140.

Sa Mega-Q Mart sa Quezon City, naglalaro sa P130 hanggang P190 ang kada kilo ng bangus habang P100 naman kada kilo ang tilapia.

Nasa P100 hanggang P120 naman ang kada kilo ng galunggong sa Mega-Q Mart.

Ayon naman kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Eduardo Gongona, walang kakulangan sa suplay ng isda.

"Wala tayong problema sa supply right now but kung mayroon man we have to come up with measures na hindi dapat talaga tumataas [ang presyo] niyan," ani Gongona.

Samantala, tumaas naman noong Oktubre ang inflation o iyong bilis ng pagtaas ng halaga ng isda.

Nasa 13.8 porsiyento ang naitalang inflation rate ng isda noong Oktubre mula 13.4 porsiyento noong Setyembre.
Nasa 13.8 porsiyento ang naitalang inflation rate ng isda noong Oktubre mula 13.4 porsiyento noong Setyembre.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Gongona, posibleng may kinalaman ang mga trader sa pagmahal ng isda.

"Masyadong na-perfect ng mga trader 'yong sa kanilang agenda and to check on that mahihirapan kami pero we have to do our part," ani Gongona.

Ayon pa kay Gongona, malapit na makumpleto ang 17,000 metriko tonelada na inangkat na galunggong.

Plano rin nilang mag-imbak ng mga isda sa mga cold storage para pagkuhanan ng suplay tuwing lean months.

--Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
bilihin
konsumer
isda
agrikultura
suggested retail price
PricePatrol
presyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT