PatrolPH

Presyo ng gasolina, diesel may rollback simula Nobyembre 3

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2020 11:17 AM | Updated as of Nov 02 2020 02:59 PM

Presyo ng gasolina, diesel may rollback simula Nobyembre 3 1

(UPDATE) Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Nobyembre 3.

Ayon sa Petron, Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, at Phoenix Petroleum, P0.85 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel habang P0.80 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Petron, Shell at Seaoil ng P0.70 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-8:01 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.