ALAMIN: Galaw ng presyo ng petrolyo, LPG pagpasok ng Nobyembre | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Galaw ng presyo ng petrolyo, LPG pagpasok ng Nobyembre

ALAMIN: Galaw ng presyo ng petrolyo, LPG pagpasok ng Nobyembre

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 01, 2021 07:31 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina at liquefied petroleum gas (LPG) sa mga unang araw ng Nobyembre, sabi ngayong Lunes ng mga oil firm.

Simula alas-4 ng hapon ng Lunes, tataas nang P3.10 ang kada kilo ng LPG, ayon sa Petron.

Nag-abiso rin ang Petron na tataasan nang P1.73 ang presyo ng kada litro ng AutoLPG.

Ito na ang ika-anim na sunod na buwang nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng LPG. Sa kabuuan o simula noong Hunyo, umabot na sa P21.90 ang iminahal ng kada kilo ng LPG o higit P240 kada 11 kilo na tangke.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, umaabot na sa P870 hanggang P1,080 ang bentahan ng kada tangke ng LPG sa Metro Manila.

Samantala, nag-anunsiyo rin ang mga oil firm na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina, at bawas sa mga presyo ng diesel at kerosene sa Martes, Nobyembre 2.

Narito ang schedule ng price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.15/L
DIESEL -P0.35/L
KEROSENE -P0.30/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.15/L
DIESEL -P0.35/L
KEROSENE -P0.30/L

ADVERTISEMENT

PetroGazz, Unioil, Phoenix Petroleum, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.15/L
DIESEL -P0.35/L

Cleanfuel (Alas-4 ng hapon)
GASOLINA +P1.15/L
DIESEL -P0.35/L

Posible umanong ngayong linggo lang mag-rollback ang diesel at kerosene.

"'Yong overall direction is still pataas. Sa last quarter kasi usually malaki ang pangangailangan sa langis," sabi ni Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero.

Mula umpisa ng taon, umabot na sa P21.95 ang kabuuang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, P18.10 sa kada litro ng diesel, at P15.74 sa kada litro ng kerosene.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.