Taas-presyo sa ilang Noche Buena products inaasahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Business

Taas-presyo sa ilang Noche Buena products inaasahan

Taas-presyo sa ilang Noche Buena products inaasahan

ABS-CBN News

Clipboard

Ilalathala sa Huwebes ang bagong suggested retail price ng mga produktong madalas inihahanda tuwing Noche Buena o iyong salusalo sa gabi bago ang Pasko, ayon sa opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI).

May pagtaas sa presyo ng Noche Buena products pero bahagya lang daw ito matapos pakiusapan ng DTI ang manufacturers, ani Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan.

Kabilang sa mga produktong maaaring tumaas ang presyo ay ang hamon, keso, pasta, fruit cocktail, at condensed milk.

Go signal na lang ni Trade Secretary Ramon Lopez ang hinihintay bago payagan ang dagdag-presyo.

ADVERTISEMENT

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.