Presyo ng ilang gulay bumaba sa ilang palengke sa Metro Manila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng ilang gulay bumaba sa ilang palengke sa Metro Manila

Presyo ng ilang gulay bumaba sa ilang palengke sa Metro Manila

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 17, 2021 06:23 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bumaba ang presyo ng ilang gulay galing Benguet sa ilang palengke sa Metro Manila, base sa pag-iikot ngayong Linggo.

Nai-deliver na kasi sa Metro Manila ang mga gulay ilang araw matapos manalasa ang Bagyong Maring.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, kasama sa mga nagmurang gulay ang mga sumusunod:

  • Repolyo - P240 kada kilo mula P360 kada kilo
  • Pechay - P150 kada kilo mula P280 kada kilo
  • Labanos - P200 kada kilo mula P400 kada kilo

Mas marami na rin ang namamalengke sa Commonwealth Market ngayong Linggo, ikalawang araw ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Itinaas na kasi sa 50 porsiyento ang kapasidad ng mga palengke mula sa dating P30 porsiyento.

Temperatura na lang ang kinukuha sa mga mamimili at hindi na sila hinihingan ng quarantine pass o vaccination card.

Maaari ring makapasok at mamili ang mga galing ng ibang lungsod.

Pero ayon sa ilang tindera, hindi pa nila ramdam ang pagbalik sa dati ng kinikita.

Marami pa rin kasi umanong mga suki ang kapos sa budget.

"Madaming taong lumalabas pero budgeted pa rin 'yong pamimili nila," sabi ng tindera ng baboy na si Mylene Naculanga.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.