Pagbaba ng presyo ng bigas dama sa N. Ecija, La Union | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbaba ng presyo ng bigas dama sa N. Ecija, La Union

ABS-CBN News
Published Oct 16, 2018 09:53 PM PHT

Bumaba na ng P3 hanggang P4 ang presyo ng bigas sa ilang lugar sa Luzon, partikular na sa Cabanatuan, Nueva Ecija, at San Fernando, La Union.

Sa Cabanatuan City market, nasa P42 kada kilo na lang ang presyo ng commercial rice ngayon mula sa dating P45 bunsod ng pagdami ng supply ng bigas.

Naging P48 mula P52 ang presyo ng bigas sa San Fernando Market dahil mababa na rin ang benta rito ng mga rice trader.

Dinadagsa naman ng mga magsasaka ang opisina ng National Food Authority (NFA) sa Nueva Ecija para magbenta ng palay sa halagang P20.70 kada kilo.

Ayon sa mga magsasaka, mas mataas ng P3 ang presyo ng NFA kumpara sa pagbili rito ng mga pribadong trader.

"Nakakasiguro po kami na pag dito papasok 'yung palay, sigurado magiging bigas siya na murang mabibili naman ng mga mamamayan natin," ayon sa magsasakang si Danilo Bolos.

Ayon sa rice retailer na si Jasmin Bolasco, bagama't dama ang bawas sa pagbili ng NFA rice, mabenta pa rin ito sa mga pamilihan.

"Nababawasan na rin' yung mga bumibili ng NFA. Pero mabenta pa rin. 'Yun pa rin naman ang hinahanap-hanap," aniya.

Tiniyak naman ng NFA na walang nag-hoard ng bigas, at ang pagbaba ng presyo ngayon ay epekto ng harvest season, at ng anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang pag-angkat ng bigas.

Dagdag pa ni Piolito Santos, regional director ng NFA sa Region 1, layon nilang madagdagan ang kanilang local buffer stock para hindi na kailanganing mag-angkat ng bigas.

May parating pang 1.9 milyong sako ng imported na bigas sa Nobyembre para sa Pasko at panahon ng eleksiyon kaya, ayon sa NFA, maaari pang bumaba ang presyo ng bigas sa mga susunod pang araw.

-- Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT