Ika-2 sunod na oil price hike asahan sa Martes: DOE

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ika-2 sunod na oil price hike asahan sa Martes: DOE

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 14, 2022 07:21 PM PHT

Clipboard

Pinipilahan ng mga motorista ang isang gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News
Pinipilahan ng mga motorista ang isang gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Inaasahang magkakaroon ng bagong oil price hike sa Martes, ayon sa Department of Energy.

Ito pa rin anila ay dahil sa bawas-produksiyon ng petrolyo ng OPEC Plus countries.

Batay sa unang apat na araw ng trading, nasa P2.53 na ang itinaas ng kada litro ng diesel. Maalala na noong nakaraang linggo ay P6 ang itinaas ng presyo nito.

Sumunod dito ang gasolina na may P0.74 kada litrong taas-singil, at P2.63 kada litrong taas-singil sa kerosene.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

"Mukhang masusundan ang increase na nakaraan base sa apat na araw baka mag increase pero di kasinlaki noong nakaraang Martes, talagang shaky o magalaw ang presyuhan," ani DOE Assistant Director Rodela Romero.

Dahil sa bigtime oil price hike noong Martes, mas mahal na ng P35.80 ang kada litro ng diesel kumpara noong nakaraang taon.

Lagpas P15 naman ang net increase ng gasolina habang P26.75 na sa kada litro ng kerosene.

Umaasa ang mga awtoridad na hindi na ito magpatuloy pagdating ng Nobyembre.

"Tingnan natin sa November pero hopefully hindi nga matuloy at meron pang factors na bumaba ang presyo," ani Romero.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.