ALAMIN: Mga sektor na nag-aalok ng mga trabahong in-demand ngayong pandemya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga sektor na nag-aalok ng mga trabahong in-demand ngayong pandemya
ABS-CBN News
Published Oct 04, 2020 02:51 PM PHT

Apat ang anak ni Elmo Guhilde kaya laking-hirap ng pamilya niya nang matigil siya sa pagtatrabaho bilang Angkas rider dahil sa pandemya.

Dahil kulang ang kita sa pagtitinda ng fishball at damit, pinasok na rin ni Guhilde ang pagiging delivery rider para sa 3 app.

"Binubuksan ko lahat para 'pag wala 'yong isang booking, doon ako kukuha sa isa para kahit papaano 'di mawalan," ani Guhilde.

Natanggap din bilang rider sa ikalawa niyang delivery service app si Solly Tumarompong.
Natanggap din bilang rider sa ikalawa niyang delivery service app si Solly Tumarompong.
ADVERTISEMENT
Kailangan kasing madagdagan ang kaniyang kita para sa anak na balik-eskuwela.

"Kailangan talaga. Hindi tayo aasa sa gobyerno," ani Tumarompong.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 6 na sektor ang nagbibigay ngayon na tinatawag na "resilient jobs" sa kabila ng pandemya.

Nangunguna rito ang health care sector, na sinusundan ng logistics gaya ng delivery sevice apps.

Pumangatlo naman ang information technology, pang-apat ang business process outsourcing (BPO), panglima ang edukasyon, at pang-anim ang construction, ayon sa DOLE.

Inaasahang lalago pa ang logistics ngayong Pasko.

Sa Grab, halimbawa, naging triple ang demand para sa delivery service.

"While people cannot be together, 'yong mag-celebrate sila nang magkakasama..., the way that they try to be together is by sending things. Nagpapadala ng pagkain, nagpapapadala ng mga kaunting regalo," ani Grab Philippines Nicka Hosaka.

Hindi naman bababa sa 1,500 ang kakailanganing delivery rider ng MyKuya app hanggang Pasko.

Nasa 10,000 trabaho naman ang nakikitang magbubukas sa BPO industry, ayon sa DOLE.
Nasa 10,000 trabaho naman ang nakikitang magbubukas sa BPO industry, ayon sa DOLE.
ADVERTISEMENT
Sa health care, higit 2,000 pa ang kailangang i-hire ng Department of Health.

Nadadagdagan na rin ang trabaho sa agriculture at fishery sector, mining and quarrying, construction, at wholesale and retail.

Umaasa ang DOLE na hindi masyadong magiging mataas ang unemployment sa pagsasara ng 2020.

"Sana maabot po natin 'yong average ng 10 percent or even single digit for 2020," ani Labor Assistant Secretary Dominique Tutay.

Sa pinakahuling datos ng DOLE, higit 200,000 mangagagwa ang opisyal na natanggal sa trabaho dahil sa pandemya.
Sa pinakahuling datos ng DOLE, higit 200,000 mangagagwa ang opisyal na natanggal sa trabaho dahil sa pandemya.
ADVERTISEMENT
Nasa 2.3 milyon naman ang natigil sa trabaho dahil pansamantalang nagsara ang mga pinapasukang negosyo. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
hanapbuhay
trabaho
resilient jobs
logistics
health care services
Department of Labor and Employment
unemployment
business process outsourcing
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT