ALAMIN: Tinatayang taas-presyo sa ilang grocery items | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Tinatayang taas-presyo sa ilang grocery items

ABS-CBN News
Published Sep 24, 2019 05:58 PM PHT
|
Updated Sep 24, 2019 08:16 PM PHT

MAYNILA — Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tinatayang dagdag-presyo sa ilang pangunahing bilihin, gaya ng canned goods, instant noodles, sardinas, at iba pang grocery items.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, maglalaro sa P0.30 hanggang P1.50 ang taas-presyo sa sardinas.

Aabot naman ng P0.45 ang taas-presyo sa instant noodles at P0.20 hanggang P1 sa presyo ng instant na kape.

Nasa P0.35 naman hanggang P1.25 ang nakaambang dagdag-presyo sa mga condiments o panimpla.

ADVERTISEMENT
Sa kabila nito, umapela ang grupong Laban Konsyumer na huwag payagan ang dagdag-presyo dahil wala umano itong basehan.

Depensa naman ni Castelo, pinag-aralan nila at may basehan ang hirit ng manufacturers na dagdag-presyo.

"For canned sardines in particular the major reason talaga is on the price of fish... Sa noodles naman isang brand lang ang magtataas na since 2016 hindi nagalaw ang presyo... Then coffee, may imported coffee, nagbabayad ng safeguard sa local," ani Castelo.

Sinabi din ng DTI na dapat ibalanse ang tamang kita ng mga negosyante na humihirit ng dagdag kapag tumaas ang gastos sa paggawa ng produkto.

Humirit naman ng P0.30 hanggang P2 dagdag-presyo ang manufacturer ng ilang brand ng de latang karne gaya ng corned beef, luncheon meat, beef loaf, at meat loaf.

Pero ayon kay Castelo, posibleng hindi na muna ito pagbigyan.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
DTI
Department of Trade and Industry
Ramon Lopez
dagdag-presyo
grocery items
grocery
saedinas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT