Presyo ng bilihin tataas pa, ayon sa BSP | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng bilihin tataas pa, ayon sa BSP

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Sep 22, 2018 12:10 PM PHT

MAYNILA – Mas tataas pa ang presyo ng mga bilihin bago matapos ang buwan ng Setyembre, batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, posible pang makaapekto ang ulat mula sa economic managers ukol sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Sinalanta ng bagyo ang mga taniman sa hilagang Luzon.

Giit ng opisyal, hindi naman unang pagkakataon na bumilis ang inflation. Aniya, noong 1980s, umabot pa sa 40 percent ang inflation rate ng bansa.

ADVERTISEMENT
Siniguro ng opisyal na may mga ginagawa ang pamahalaan upang mapagaan ang epekto nito.

Kabilang dito ang binuong composite team para i-monitor ang presyo at kalidad ng bigas at pagpapatupad ng simplified importation rules.

Pagsapit ng 2019 hanggang 2020, posibleng bumaba na ang inflation sa target na 2 hanggang 4 percent.

Noong nakaraang buwan, pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate habang nakaapekto din sa presyo ng pagkain ang pananalasa ng habagat sa mga pananim.