Mga panuntunan sa alternative work arrangement pinalawig ng DOLE | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga panuntunan sa alternative work arrangement pinalawig ng DOLE

Mga panuntunan sa alternative work arrangement pinalawig ng DOLE

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 20, 2022 01:30 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Higit 3 taon nang naka-hybrid work setup ang information technology consultant na si Jay Morales.

Dalawa hanggang 3 araw siyang on-site sa opisina at ilang araw na work-from-home.

Bagaman aminado siyang mas napagastos ang kaniyang pamilya sa hybrid, mas pipiliin pa rin niya ito kaysa sa full on-site na trabaho.

Diniskartehan na lang din niyang hindi magulo ang oras na para sa trabaho at pamilya.

ADVERTISEMENT

"Beneficial siya. I am readily available to my family, as soon as they need me in terms of emergency, some of household chores," ani Morales.

"Mayroon kaming routine not just for myself but for my wife and for my kid as well," dagdag niya.

Sa inilabas na bagong department order (DO) ng Department of Labor and Employment (DOLE), ipinag-utos ni Secretary Bienvenido Laguesma na maaari pa ring gamitin ng employers ang remote work programs, tulad ng work-from-home at iba pang alternative work arrangements, lalo't nariyan pa rin umano ang banta ng COVID-19.

Pinalawig din ng DO ang kahulugan ng "alternative workplace" para tukuyin ang ano mang lugar kung saan magagamit ang telecommunication para sa trabaho na hindi lang limitado sa bahay, co-working spaces at iba pa.

Pabor naman ang employers sa bagong hakbang ng DOLE basta mananatili umanong voluntary ang remote work.

ADVERTISEMENT

"Basta 'wag lang compulsory, kahit patagalin nila 'yan, okay lang 'yan. It's just protecting the rights of those who [are] working," ani Sergio Ortiz-Luis, president ng Employers' Confederation of the Philippines.

Sang-ayon din ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa utos ng DOLE pero sana anila'y tugunan din ng gobyerno ang iba pang problema sa sektor ng manggagawa.

"Ang kailangan talaga bigyan ng agarang tugon ng gobyerno... ay 'yong demand namin for a national minimum wage, iyong wage increase, 'yong pagbabasura ng skema ng kontraktuwalisasyon, 'yong occuptional safety and health, at ang tumitinding trade union at human rights violation," ani KMU Chairperson Elmer Labog.

Nanawagan naman ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na magkaroon ng mas matibay na mekanismo para matugunan ang reklamo ng mga manggagawang posibleng naabuso din sa alternative work arrangements.

"They could be subjected to unreasonable tasks, unreasonable demands that are based on quotas or extention of work hours beyond their work hours," ani TUCP Vice President Louie Corral.

ADVERTISEMENT

Hinikayat din ng TUCP ang gobyerno na magbigay ng insentibo sa mga kompanyang magbibigay ng allowance para sa gastos sa internet at kuryente at iba pang uri ng suporta sa kanilang mga manggagawa.

Nagpasalamat naman ang IT and Business Process Association of the Philippines dahil makatutulong umano ang work-from-home at hybrid work set-up sa IT at business process management industry para magdagdag ng nasa 1.1 milyon na mga trabago para sa mga Pilipino at makapag-ambag ng kita sa kanilang sektor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.