Bahagi ng plantasyon ng tubo nasunog sa Negros Occidental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng plantasyon ng tubo nasunog sa Negros Occidental

Bahagi ng plantasyon ng tubo nasunog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2022 11:29 AM PHT

Clipboard

Retrato mula sa Toboso DRRM
Retrato mula sa Toboso DRRM

Nasunog ang kalahating ektaryang taniman ng tubo sa Toboso, Negros Occidental, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinunog noong Biyernes ng mga magsasaka ang mga damo matapos maani ang mga tubo sa katabing taniman.

Pero lumakas at bumaliktad umano ang direksiyon ng hangin kaya inabot ng apoy ang katabing plantasyon.

Nasunog ang 7 buwang tanim na tubo, na aanihin sana sa Nobyembre.

ADVERTISEMENT

Nagtulungan ang ilang residente at magsasaka sa pag-apula ng apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog at patuloy ang pakikipag-ugnayan ng BFP para matukoy ang halaga ng pinsala sa insidente.

— Ulat ni RC Dalaguit

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.