#WalangTubig: Ilang lugar sa Metro Manila, Cavite sa Setyembre 17-19

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2020 11:52 AM

MAYNILA - Pansamantalang mawawalan ang ilang lugar sa southern Metro Manila at Cavite simula Huwebes hanggang Sabado, ayon sa Maynilad.

Sa pagitan ng alas-10 ng gabi ng Huwebes at alas-7 ng umaga ng Sabado, makararanas umano ng pansamantalang paghina ng pressure o kawalan ng tubig ang mga kostumer ng Maynilad dahil sa maintenance work o pagkukumpuni sa Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa at enhancement activities sa pipe network sa Cavite, sabi ng water concessionaire.

Kasama sa mga apektadong lugar ang ilang barangay sa mga sumusunod na lungsod at munisipalidad:
• Las Piñas 
• Muntinlupa
• Parañaque City
• Pasay City
• Bacoor City
• Cavite City
• Imus City
• Kawit, Cavite
• Noveleta, Cavite
• Rosario, Cavite

Para sa kabuuang listahan ng mga apektadong lugar:

Pinayuhan ng Maynilad ang mga kostumer na mag-ipon ng sapat na tubig. 

Mayroon ding water tankers ang Maynilad na magdadala ng malinis na tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.