Presyo ng petrolyo tataas ulit sa Setyembre 12 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng petrolyo tataas ulit sa Setyembre 12

Presyo ng petrolyo tataas ulit sa Setyembre 12

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 11, 2023 08:27 PM PHT

Clipboard

Motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

(UPDATED) Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo, ayon sa mga kompanya ng langis.

Base sa abiso ng mga kompanya, epektibo sa Martes, Setyembre 12, ang mga sumusunod na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.20/L
DIESEL +P0.40/L
KEROSENE +P0.20/L

Shell, Seaoil, Flying V, Petron (alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.20/L
DIESEL +P0.40/L
KEROSENE +P0.20/L

ADVERTISEMENT

Petro Gazz, Jetti Petroleum, Unioil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.20/L
DIESEL +P0.40/L

Cleanfuel (alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.20/L
DIESEL +P0.40/L

Watch more News on iWantTFC

Ito na ang ika-10 sunod na linggong nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

"Dahil po doon sa announcement na ginawa ng Saudi Arabia at Russia na 'yong kanilang voluntary cut [sa oil supply] ay e-extend... alam naman natin na pataas ang demand because of the winter season," paliwanag ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Posible pa umanong magtuloy-tuloy ang taas-presyo sa susunod na linggo.

"Kung mangibabaw pa rin po 'yong kadahilanan ng production cut ng dalawang bansa and then pataas ang demand, maaari pong magtuloy-tuloy," ani Romero.

Samantala, sisimulan na ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga driver at operator ng public transportation ngayong linggo.

"Target namin ay ma-implement ito within the next two days up to siguro, pinaka-latest nito ay September 15," ani Transport Secretary Jaime Bautista.

"Natanggap na namin ang pondo from [Department of Budget and Management]. Ang [Land Transportation Franchising and Regulatory Board] is working with different agencies," aniya.

Libu-libong piso ang ibibigay sa mga tsuper ng jeep, bus, taxi, tricycle, TNVS at delivery riders bilang ayuda dahil sa serye ng dagdag-presyo sa petrolyo.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.